Motorsiklo sumalpok sa truck, rider patay

crime5

BASAG ang bungo ng isang rider na nagresulta sa kanyang kamatayan habang sugatan ang dalawa pa nitong angkas nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang nakahintong container truck sa Makati City, Huwebes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Donald Abadlao, 22, ng Signal Village, Taguig City sanhi ng pinsalang tinamo sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyang ginagamot pa sa Ospital ng Makati ang dalawa pang sugatan na sina Glenn Coral Duran, 22, at si Francis Ampuan Asperon, nasa hustong gulang. Ang dalawa ay pawang naninirahan sa Mahimbing St. Signal Village nang nasabing lungsod sanhi ng mga tinamong galos at pasa sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Marilou Intia ng Makati City Traffic Bureau, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Osmeña Highway, kanto ng Arnaiz Avenue nang nasabing lungsod.

Nakahinto ang isang Isuzu Truck (TEH -792) na minamaneho ni Teofilo Arellano, 28, ng Samson Road Quezon City sa traffic light ng kanto ng Arnaiz Avenue at Osmeña Highway nang biglang sumalpok ang isang Honda motorcycle (AA-4606) na minamaneho ni Abadlao na may angkas na dalawang lalaki na pawang mga walang suot na helmet.

Dahil sa lakas ng impact na pagkakasalpok tumilapon ng ilang metrong layo ang mga biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng biktimang si Abadlao at ikinasugat ng dalawa nitong angkas na sina Duran at Asperon.

Tinangka pang isugod sa nasabing pagamutan si Abadlao ngunit namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente. Isinugod naman ang dalawang kasamahan nito sa ospital na kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas.

Kusang loob namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Arellano na tumannging bigla siyang nagpreno kaya sumalpok ang sinasakyan motorsiklo ng mga biktima.

Pahayag ni Arrelano sa pulisya, matagal na siyang nakahinto sa traffic light at hinihintay na lamang niyang mag-green upang mag-go patungo sa kanyang pupuntahan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung nakainom ang mga biktima nang maganap ang insidente dahil sa hindi makausap nang maayos ang dalawang sugatan na kasama ni Abadlao.

Nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries ang driver ng Isuzu truck.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply