Motorsiklo sumalpok sa trak, 2 rider nalasog

2 patay

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng dalawang lasing na lalaki nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang umaatras na trak sa Barangay Nasunugan, Dao, Capiz nitong Biyernes ng gabi (Disyembre 21) .

Hindi na naisalba pa sa Dao District Hospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang drayber ng motorsiklo na si Juanitong Halang, 22-anyos at ang kaangkas nitong si Arnel Olintao, 19-anyos,na kapwa residente ng Barangay Matangcong Sigma, Capiz.

Iniimbestigahan pang mabuti ng pulisya kung may pananagutan sa insidente ang may-ari ng gasolinahan na hindi nakuha ang pangalan dahil sa kanya ang self loading truck na nasangkot sa aksidente.

Sa ulat ni P/Inspector Ferdinand Fuene, hepe ng Dao police station, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Biyernes ng gabi sa isang gasolinahan sa Barangay Nasunuguan, Dao.

Ayon kay Fuene, bago ang insidente ay umaatras ang nasabing self loading truck para magkarga sa lagayan ng ng gasoline station nang biglang sumalpok ang motorsiklo na pinapatakbo ni Halang.

Sa lakas na pagkakabangga, pumailalim sa trak ang motorsiklo ng mga biktima na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Inaalam na rin kung nakainom ng alak ang mga biktima nang maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply