Mountain biker sinagasaan ng truck driver, todas

NALASOG ang katawan ng isang mountain biker nang sagasaan siya ng isang truck driver na kanyang nakaaway sa trapiko sa Iloilo City kaninang umaga (Disyembre 2).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa balakang at lumabas pa ang ilan sa internal organs ng bitimang si Francis Ronald Alipuon, 30-anyos residente ng San Isidro, Lapaz, Iloilo City.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting with homicide ang suspect na si Robert Suelo, 46-anyos at residente ng Barangay Mantulang, Passi City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 7 ng umaga sa kanto pagitan ng Barangay Ticud at Baldoza sa La Paz.

Bago ito, muntik nang masagasaan ng suspect ang biktima kaya humantong ang dalawa sa mainit na komprontasyon.

Nang maawat, inakala naman ng suspect na bubunot ng baril ang biktima kaya sinagasaan niya ito.

Sa pag-usisa ng mga pulis, inamin ng driver na sinadya niyang sagasaan ang biktima matapos ang kanilang mainitang pagtatalo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply