MYX Mo! 2012 mamayang gabi na

MYX

SIGURADONG rock-rock-an na naman mamaya ang mga bagets, nagpi-feeling bagets at mga music at band lovers dahil mamayang gabi na ang MYX Mo! 2012 ng number one music channel sa bansa.

Muling magsasam-sama ang mga mamalaking pangalan sa music industry gaya nina Rico Blanco, Callalily, 6Cyclemind, Sponge Cola, Chicosci, Kamikazee, Slapshock, Pupil, Moonstar88, Yeng Constantino at marami pang iba.

Kaya kung gusto n’yong makitang mag-perform ang inyong mga idolo ay gora na sa Marikina Sports Complex mamaya. Magsisimula ang programa ng ala-6:00 ng gabi.

Para naman sa mga busy at walang time na manood nang live ay abangan na lamang ang pagpapalabas ng MYX Mo! 2012 sa MYX sa mga sumusunod na petsa: December 21 at 7:00 p.m. to 1:00 a.m., December 24 at 1:00 p.m. to 7:00 p.m., December 25 at 7:00 pm to 9:00pm (first part), December 26 at 7:00 p.m. to 9:00 p.m. (second part) at December 27 at 7:00 p.m. to 9:00 p.m. (third part), December 29 at 6:00 p.m. to 12:00 a.m., December 31 at 10:00 p.m. to 4:00 a.m. at January 1 at 10:00 a.m. to 4:00 p.m.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply