Naaagnas na bangkay ng kelot, natagpuan sa bangin

PALAISIPAN pa rin sa mga awtoridad kung biktima ng summary execution o talagang nahulog sa bangin ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa lalawigan ng Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report na ipinarating sa Camp Crame, ini-ahon sa gilid ng bangin sa may Barangay Patitinan, ng Sagnay Municipality ang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang ilang araw ng patay.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Sagnay, tinatayang may dalawang linggo ng patay ang bangkay na naka-suot ng itim na short at t-shirt na nasa gilid ng bangin.

Nabatid na nadiskubre lamang ang bangkay bunsod ng reklamo ng mga residente hinggil sa umaalingasaw na napakabahong amoy sa kanilang lugar na nagmumula sa bangin.

Ayon kay Punong Barangay Zaida Baron, pinakilos niya ang kanyang mga tanod at ilang residenteng nagboluntaryo para hanapin ang pinagmumulan ng mabahong amoy at laking gulat umano nila ng isang bangkay ng lalaki ang bumulaga sa kanilang paningin.

Agad na rumesponde ang PNP Sagñay at dahil sa matirik ang bangin, gumamit na ng bakchoe at lumantad ang halos nabubulok nang naka-itim na shorts at t-shirt na lalaki.

Dahil nasa state of decomposition na ang nasabing lalaki ay ipinasya ng mga awtoridad na agad na itong ipalibing habang patuloy ang sinasagawang imbestigasyon hinggil sa pagkakakilanlan at dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply