Naarestong opisyal ng PRC pinakakasuhan sa Sandigan

DOJ

TULUYAN nang pinakakasuhan sa Sandiganbayan ang isang opisyal ng Professional Regulation Commission (PRC) na una nang inaresto  dahil sa kasong extortion.

Sa isinumiteng endorsement letter ng Department of Justice (DOJ) sa tanggapan ng Ombudsman,  si Commissioner Alfredo Po ay nakitaan ng probable cause sa aksong paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft Law, RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Article 210 ng Revised Penal Code o Direct Bribery.

Sa ilalim  ng rules, sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano na pag-aaralan ng Ombudsman kung maaari nang isampa sa Sandiganbayan ang kanilang rekomendasyon o kailangan pa nilang magsagawa ng preliminary imvestigation.

Matatandaan na naaresto si Po noong Disyembre 5 bunsod ng reklamo ng isang Ernesto Delos Santos na umano’y hiningan nito ng P394,000 bilang komisyon sa pag-upa ng RPC sa kanyang gusali sa Baguio City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply