Nabola ng matamis na dila ni Gov. Imee

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

NABIKTIMA ng pangakong-politiko ang mag-asawang Pagudpud Mayor Matilde Sales at Manong Teteng Sales.

Si Manong Teteng ay nagplanong kumandidato para gobernador ng Ilocos Norte sa 2013 pero nabighani ng matamis na dila ni Governor Imee Marcos kaya hindi na itinuloy ang kandidatura.

Maraming ipinangako si Imee kapalit ng hindi pagtakbo ni Manong Teteng subalit matapos ang deadline ng pag-file ng Certificate of Candidacy, parang naglahong bula ang usapan.

Ang ending pa, kinasuhan at sinuspinde ni Imee ng 120 days si Mayor Sales dahil sa alegasyon na pagpasok nito sa Memorandum of Agreement sa isang private individual na
inirereklamo naman ang alkalde ng land grabbing.

Matunog ang balita sa Ilocos Norte na malapit nang matapos ang paghahari ng mga Marcos sa lalawigan ni Apo Macoy dahil negatibo ang pagtanggap ng mga Ilokano sa
mga ginagawa ni Imee.

Ang huling balita, kinasuhan pala nina Mayor Sales si Gov. Imee sa Office of the Ombudsman na mukhang malayo-layo ang mararating ng isyu.

Ang aral dito, huwag kaagad maniniwala sa pangako ng mga politiko.

***

Totohanan na ang RH Bill na nasa pintuan na para maging isang ganap nang batas.
Nakikisimpatiya tayo sa pagtutol ng CBCP, lalo na sa anggulo ng pagbabawal ng aborsiyon at pagtuturo ng sex education sa masyadong murang edad.

Pero sana, alam din ng simbahan kung paano pakakainin, pag-aaralin at bibigyan ng tahanang masisilungan ang mga pakalat-kalat na batang lansangan.

Kung mayroon mang dapat usigin ang CBCP, ‘yun ay walang iba kung hindi ang mga mag-asawang magaling lang sa pakikipagtalik na ala Hyden Kho at Katrina Halili pero hindi naman alam kung paano maging responsible parents.

Hindi n’yo nga mabuksan ang malalaking simbahan para maging silungan ng mga taong lansangan, tapos gusto n’yong kalingain ng estado ang mga isinilang dahil sa kapabayaan!

***

Sino si alyas Senador Retreat na nagbabakasyon kung saan-saang beach sa Luzon para matakasan ang kanyang misis? Umugong na noon na may siyota si Senador Retreat pero ayaw maniwala ng kanyang esposa. Clue, malapit na ring maghiwalay ang mag-asawa.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply