Electrician tepok sa 2 kainuman

crime6

DEDBOL ang isang electrician makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang nakaalitang kainuman sa Bagong Barrio, Caloocan City kaninang madaling araw.

Dead on the spot si Reynaldo Olaybar, 47, may-asawa, electrician ng 131 Narra Alley ng Barangay 152 sanhi ng limang tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakatakas naman ang dalawang suspek na sina Joseph Padilla, 55, may asawa, at Richard Bacunawa, 30, binata, kapwa vendor at residente ng naturang barangay dala ang ginamit na patalim.

Ayon sa yulat, dakong ala-1:00 kaninanag madaling araw nang maganap ang krimen sa Stairway Palawan Alley ng nasabing lugar.

Nabatid na magkasamang nag-iinuman ang biktima at ang mga suspek ngunit sa gitna ng inuman ay napadako ang usapan sa labanang Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Dahil may kanya-kanyang opinyon at pinapanigan ay nauwi sa mainitang pagtatalo ang kuwentuhan ng tatlo.

Palibhasa kapwa mga lasing ay agad nagbunot ng patalim ang mga suspek at pinagtulungang saksakin ang biktima na nagresulata ng agarang pagkamatay nito.

Patuloy ang imbestigasyon at naglatag na ng manhunt operation laban sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply