Nagtalo sa passport stamping, katiwala sugatan sa among Jordanian

MPD-HeadQ

INIREKLAMO sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment ang isang Jordanian national matapos nitong kaladkarin ang kanyang katiwala dahil sa pagtatalo sa “passport stamping” sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang inirereklamong dayuhan na si Jalal Hassan Mamoud, Jordanian national, at pansamantalang nanunuluyan sa Suite 2, 2nd floor, Midland Plaza, Adriatico St., Malate, Maynila .

Sa report ni SPO2 John Cayetano ng MPD-GAS, naganap ang pananakit ng suspek sa biktimang si Mary Jane Dimaisip, 35, nakatira sa 1579 Yakal St., Sta. Cruz, Maynila sa condominium ng suspek sa Ermita.

Nabatid na napikon umano ang suspek sa biktima dahil sa pagtatalo nila sa pagpipilit ng una na iba ang sistema ng passport stamping dito sa Pilipinas kumpara sa kanilang bansa.

Dahil dito, hindi nakapagpigil ang suspek at minagmumura ang biktima saka kinaladkad dahilan upang masugatan ito.

Agad namang dumiretso ang biktima sa MPD headquarters upang maghain ng reklamo laban sa kanyang amo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply