Nakikinabang sa jueteng ipinabubulgar

rodrigo-orduna

HINAMON ng Malakanyang si Bugallon, Pangasinan Mayor Orduña na ikanta ang mga opisyal sa ilalim ng Aquino government na ginagawang gatasan ang jueteng lords o tumatanggap ng jueteng payola.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, makabubuting isapubliko ni Mayor Orduña ang nalalaman para agad malutas ang usapin ng ilegal na sugal na jueteng.

Ang naging hamon na ito ng Malakanyang sa alkalde ay alinsunod sa pagbubunyag ng alkalde na ang three kings” na nakinabang sa jueteng payola noon ay sina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating DILG Sec. Ronaldo Puno at PNP chief na hindi pinangalanan.

Sinabi ni Sec. Lacierda na iba na ang sitwasyon ngayon  dahil nabibigyan na ng proteksyon ang mga testigo kaugnay sa illegal jueteng operations.

Hindi naman itinanggi ng Malakanyang na walang documentary evidence ang alkalde maliban sa kanyang personal na karanasan at impormasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply