Nakumpiskang billboards ng MMDA ibibigay sa mga biktima ng bagyong Pablo

ISANG trak na puno ng mga nakumpiskang ‘billboard tarpaulin’ ang ipadadala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lalawigang tinamaan ng bagyong Pablo upang maging pansamantalang ‘tent’ ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

Ang mga tarpaulin ay nakumpiska ng MMDA sa kasagsagan ng kanilang
kampanya na “Baklas Billboard”. Ipadadala ang mga ito sa mga bayan ng New Bataan sa Compostela Valley at Cateel, Davao Oriental.

Dahil sa naglalakihan ang naturang mga tarpaulins, maaari itong
hati-hatiin upang magkasya para sa mga evacuees.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na nabubulok lamang ang mga tarpaulin sa kanilang mga bodega at nararapat na mapakinabangan bilang tents ng mga biktima hanggang hindi tuluyang nagkakaroon ng panibagong tahanan.

Matatandaan na una nang nagpadala ang MMDA ng kanilang “search and rescue teams” para tumulong sa paghahanap ng mga nawawalang biktima at 2 unit ng water purifier para magbigay ng maiinom na tubig sa mga bayang sinalanta ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply