Namataang bagong weather system, posibleng maging LPA sa Pasko

POSIBLENG maging low pressure area (LPA) at kinalaunan ay maging isang ganap na bagyo ang binabantayan na bagong weather system na namataan sa katimugan ng Visayas.

Sinabi ni  Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Administrator Nathaniel Servando, na ito ay malayo pa para makaapekto sa bansa pero patuloy nila itong binabantayan para sa mga bagong kaganapan ng nasabing weather system .

Pero kung sakali na ito ay mabuong isang LPA bago o sa mismong araw ng kapaskuhan o Disyembre 25 ito kikilos papasok ng teritoryo ng Pilipinas.

Gayunman, dahil sa napakalayo pa nito sa bansa ay maaari pa rin itong malusaw.

Sa kabila nito, sinabi ni Servando, na bukod sa nasabing weather system ay may isa pang bagyo ang inaasahang mabubuo bago matapos ang Disyembre.

Nagpadala na ng karagdagang weather forecaster ang PAGASA sa mga regional station para tumulong sa pagmo-monitor ng naturang weather system.

Inaasahan namang magiging maganda ang panahon sa loob ng lima hanggang anim na araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply