Namimili ng paputok, dagsa na sa Bocaue, Bulacan

PATULOY na dumadagsa ang mga mamimili ng paputok sa Bocaue, Bulacan, habang papalapit ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Karamihan sa mga mamimili ay nagmula pa sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

Gayunman, kapansin-pansin ang pagbabago sa demand ng mga fireworks buyer na lalong pinili ang mga pailaw sa halip na malalakas na paputok tulad ng five star.

Nagputupad naman ang mga store owner ng safety precautions kabilang ang paglalagay ng mga drum ng tubig upang maiwasan ang sunog.

Ipinagbabawal din ang fireworks testing at paninigarilyo sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue.

Magmumulta naman ng P1,000 o magko-community service ng apat na oras ang mga mahuhuli na naninigarilyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply