Nanambang sa PDEA agent utas sa engkuwentro

NAPATAY ang isa sa armadong grupo ng mga nanambang sa isang team ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents noong  2009  makaraang makipagbarilan sa awtoridad sa Cotabato City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang napatay na si  Morad Solaiman y Abdul, 33, kabilang sa target-listed drug personality at miyembro ng Guimad Drug Group.

Lumitaw sa imbestigasyon na kasama si  Solaiman sa grupo ng kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril na umatake ng isang team ng  PDEA agents noong  April 13, 2009 sa  Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Batay sa ulat, patungo sa nasabing lugar ang isang team ng PDEA agents upang magdala ng warrant of arrest  nang bigla na lamang paulanan ng bala na ikinasawi  ni Agent  Pablo June Jala, kasama sa operasyon na ikinasugat din ng isang impormante at mga tinamaan ng ligaw na bala.

Nangyari ang engkuwentro malapit sa bahay ni Solaiman sa Bagua 2 habang isinasagawa ang isang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA ARMM) sa pangunguna ni Director Yogi Felimon Ruiz noong bandang alas-5:30 ng umaga ng December 13, 2012.

Nahulihan si Solaiman ng shabu ngunit dahil armado rin ng baril ay pumalag itp at nakipagbarilan sa PDEA agents na ikinamatay nito.

Nakuha sa pag-iingat ng napatay ang 5 gramo ng shabu at isang kalibre-45 baril na may mga bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply