Delikadong lugar kay ‘Pablo’ ipinasusumite ni PNoy

abigail-valte

PINAGSUSUMITE ni Pangulong Benigno Aquino III ang bawat ahensya ng pamahalaan ng inventory ng mga delikadong lugar na maaapektuhan ng bagyong Pablo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, importanteng malaman agad ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ang mga danger area upang agad na maibigay ang mga kinakailangang tulong ng mga ito.

Kahapon ay pinulong naman ni Pangulong Aquino ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC); Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA); Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensiya upang talakayin ang gagawing paghahanda sa nasabing bagyo.

Nauna rito, inihayag ng Malakanyang na mas handa ngayon ang gobyerno kay Pablo at umaasang magtatala sila ng zero casualty sa paghambalos nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply