Nanlaban sa parak, holdaper utas, 1 pa nakatakas

crime-scene-chalk-mark

RIZAL – Patay ang isang kilabot na holdaper habang nakatakas naman ang kasamahan nito matapos na manlaban habang isinasagawa ang pag-aresto sa bayan ng Binangonan, Linggo ng gabi (Disyembre 2).

Kinilala ni Binangonan chief of Police P/chief. Insp. Bart Marigondon ang namatay na si Anthony Aquino, alyas Lupin, 29 anyos, binata, residente ng Barangay Limbong-limbong ng nasabing bayan.

Mabilis namang nakatakas ang kasamahan nito na si Marlon Topacio, alyas Taswing, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Batingan ng nasabi ring bayan.

Ang mga suspek ay kapwa mayroong kasong robbery, carnapping at may warrant of arrest.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa Sitio San Jose (kambingan), Brgy. Pag-asa, Binangonan, Rizal.

Nabatid na isang impormasyon ang natanggap ng pulisya kaugnay ng presensiya ng dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo at kapwa armado ng mga baril.

Kaagad na nagtungo ang pulisya para dakpin ang mga suspek subalit bago pa man makalapit at magpakilalang pulis ay sumibat na ang dalawa habang nagpapaputok ng baril ang backrider.

Mabilis na nakaganti ng putok ang mga pulis kung saan ay tinamaan si Aquino na siyang ikinamatay nito habang nakatakas naman ang driver ng motorsiklo na si Topacio.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Binangonan Police para madakip ang nakatakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply