Nanlamas ng dalagita, himas rehas na

crazy

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos paglalamasin ang kaselanan ng dalagitang kapatid sa ina sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kaninang madaling araw, Disyembre 8.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Angelito Lopez, 33, ng Sitio Mataric, Camarin ng lungsod.

Batay sa reklamo ng biktimang edad-17, dakong alas-3 ng madaling araw, nagising siya nang maramdaman may humihimas sa kanyang ari at pagmulat ng mata ay nakita ang suspek sa kanyang tabi.

Pumalag ang biktima na ikinagalit ng suspek at walang salitang pinasasampal ang dalagita bago iniwan.

Nagsumbong sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang damputin at dalhin sa presinto ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply