Napunta sa papel ang milyong dolyar na kinita ng OFW para sa bayan

hilda online logo

IPINAGBAWAL ang plastic at maging ang styrofore.

Ang sabi ng kinauukulan, upang mabawasan ang basura na nililikha araw-araw ng tao.

Dahil sa kaisipang ito, ang ipinasiya ay ang paggamit na lang ng mga supot, baso at sisidlan na gawa sa papel.

Diba naiisip ng mga may suhestyon at may gawa ng mga bagay na ito, na mas lalong lumalala ang basura sapagkat kagaya ng plastic ang papel ay basura pa rin. Kapag marami ng bulto ng papel ang natipon at bumara sa mga kanal at estero tiyak na pagbaha pa rin ang kinakaharap natin.

Ayon kay Secretary Ramon JP Paje ng Department of Environment and Natural Reources (DENR), lahat ng bagay na may kinalaman sa plastic ay magiging maayos , kung aalisin ng bawat isa sa atin ang katigasan ng ulo at kawalan ng disiplina sa paraan ng pagtatapon ng basura.

Mas malaki ang nawawala sa atin kapag tayo ay umaangkat ng materyales para sa papel. Milyong dolyar ang ating nagagasta. Doon lamang pag-angkat ng papel napupunta ang pinaghihirapan ng mga OFW sa mga kinitang nilang dolyar na unti-unting iniipon ng pamahalaan at pagkatapos ay mawawala rin dahil ginagamit sa pag-import natin ng mga materyales para sa produktong papel na pamalit sa plastik.

Sa madaling salita, kung patuloy tayong gagastos para sa materyales sa paggawa ng papel, wala ring saysay ang programang tuluyan pag-aalis ng plastik para gamitin ng mamamayan ang papel, kung sa ibang aspeto naman tayo mahihirapan, samantalang ang plastic ay nariyan na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply