Navotas City handa na sa Simbang Gabi

HANDANG-handa na ang Peace and Order Council (POC) ng Navotas City para sa nalalapit na “Simbang Gabi” mula sa Disyembre 16-24.

Kaugnay nito, inatasan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa isang pulong na ginanap kamakailan ang Traffic and Parking Management Office ng lungsod at Philippine National Police na ipatupad ang maximum security sa kapaligiran ng mga simbahan at iba pang matataong lugar sa lungsod.

Sa mga nakalipas na taon, ang mga nasabing tanggapan ay nagtalaga ng higit sa 200 unipormadong tauhan sa mga piling lokasyon bunsod ng posibiliad ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng holdapan, nakawan at pagsisikip ng trapiko.

Hiniling din ng alkalde sa mga kapitan ng barangay na paigtingin ang “visibility” ng kanilang mga tanod o Task Force Disiplina personnel lalol na sa pagdaraos ng mga misa.

Samantala, iniatasan din ni Tiangco ang agarang pagkakabit ng 18 CCTV cameras na karagdagan sa ginagamit nang 20 units sa mga pangunahing lansangan ng lungsod bilang dagdag na na safety measure.

Ang Bureau of Fire Protection at Navotas Local Disaster and Risk Reduction Management Office (LDRRMO), pakikipagtulungan ng Navotas Action and Command Center na nag-o-operate ng CCTV cameras at emergency hotline number, 281-111, ay pinaalalahanan din na tiyaking walang mangyayaring sunog sa panahon ng kapaskuhan.

“These measures are taken to assure that our constituents can have a worry-free Christmas celebration,” ani Tiangco.

“I commend these personnel and most especially, the volunteers, who opted to go on duty even on holidays,” papuri ni Tiangco sa mga kawani at volunteers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply