NBI agents na nanapak ng piskal, kakasuhan

qc-hall-of-justice

KAKASUHAN ng kriminal sa korte ang labing apat (14) na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nanapak sa isang piskal ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City.

Sinabi ni Prosecutor Benjamin Samson, nakatakda ng sampahan niya ng kasong attempted murder, direct assault at unjust vexation ang mga ahente ng NBI na nanapak sa kanya at nanutok pa ng baril noong gabi ng November 27, 2012 dakong -11:30 ng gabi.

Nabatid sa pahayag ni Prosecutor Samson, sumaglit lamang siya sa Justice Hall ng Quezon City upang kunin sa guardiyang pinaghabilinan ng kanyang plane ticket para sa kanyang flight kinabukasan pagtungong Cebu City.

Sinabi ni Samson, dinatnan niya ang mga suspek na minumura ang mga security guard ng QC Justice hall dahil ayaw pumirma sa dalang dokumento ng NBI na magpatunay na dumating sila sa lugar para magpa-inquest ng mga dala nilang mga suspek na lumabag sa R.A 8484 (Anticyber Crime Law).

Sa puntong ito, nakiusap, anya, ang mga gurdiya sa Piskal na tulungan silang magpaliwanag sa mga NBI agents na may ipinalabas na direktiba ang pamunuan ng hall of justice na nagbabawal sa mga guardiya na pumirma ng anumang uri ng mga dokumento.

Anang piskal, nagpakilala siya sa NBI agents at sinabing hanggang 11:00 ng gabi ang oras ng inquest subalit habang nagpapaliwanag siya ay biglang may humagis na upuan.

“Hindi ako tinamaan ng silya dahil nailagan ko kaya lang nasapak ako sa mukha ng isang NBI na may hawak pang baril,” kuwento ng piskal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply