NCR-LTO-ERD nag-react

MISYON-AKSYON_Arnel-Petil

NAKAPANAYAM ko nang personal si NCR-LTO-ERD Benjamin Santiago III upang hingan ng paliwanag ukol sa lumabas sa aking artikulong “Tuwid na daan sa LTO-NCR at mga hepe ng LTO na nakadispalko ng  pera pero kinukunsinte ni Assec. Torres?” na paratang sa kaniya ng isang concerned citizen na  sumulat  sa aking kolum.

Kanya namang pinabulaanan ang bintang at sinabing gawa-gawa lamang ito ng mga nais manira sa kaniya.

Kasi may mga bagay na ipinatutupad na kautusan mula sa itaas o “DOTC” para sa pagbabago at  ikagaganda  ng tanggapan ng  lalo  na sa NCR.

Katunayan may tinanggap siyang Memorandum na nagpapaalaala na maaring magsagawa at alamin ang bawat kalagayan ng mga hepe na higit sa 3 taon sa kanyang puwesto ay maaari na itong ilipat o i-reshuffle para maging epektibo sila sa kanilang mga tauhan, tanggapan at sa publiko.

Higit sa lahat, para mawala ang korapsyon.

“Lahat naman ng bagay ay sumusunod sa mga nakatataas, hindi personal na desisyon ang mga ginagawa ko at aaprubahan pa ito. bago ipatupad,” ayon kay ERD.  Santiago.

oOo

Saludo talaga ako kay SPO2  Helen Baldoza, ng San Juan Police warrant Section at Pasig Police na  sina P02 Celso Atuan, P02 Oliver  Baquiran, P02 Juanito Sevilla ng Warrant Section nang kanilang  arestuhin sa bisa ng warrant of  arrest na inisyu ni Judge Myrna V. Lim Verano ng branch 160 ng Regional Trial Court Pasig City sa kasong estafa ang isang empleyado ng Philhealth na si Richie Bhen Evangelista sa
kanyang opisina  kamakalawa.

Sinabi pa ng kaniyang mga kasamahan na marami pa
itong na-estafa na kapwa niya empleyado.

Pag ganito ang kapulisan natin na mabilis na umaksyon, tama ang  sinasabi ni PNP Chief Allan Purisima ukol sa serbisyong  makatotohanan.

Sir, saludo po ang Misyon Aksyon  sa iyong mga bata, aksyon  agad…

oOo

arnelpetil@gmail.com at

http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply