NDRRMC naka-high alert kahit kanselado ang NoKor rocket launch

benito-ramos

MANANATILI pa ring naka-high alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahit kinansela na ng North Korea (NoKor) ang nakatakda nitong rocket launch.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan hanggang sa araw na muling tatangkain ng NoKor ang pagpapakawala ng satellite.

Una rito, pinalawig pa ng North Korea sa Disyembre 29 ang kanilang rocket launch matapos na makapagtala ng ilang technical problems sa launching nito sa pagitan ng Disyembre 10 at 12.

Pinalitan ng North Korea ang isang stage ng long range rocket nito na nakatakdang ilunsad.

Ito’y bunsod ng technical problem umano sa first stage ng rocket na dahilan kung bakit naantala ang paglunsad nito.

Napag-alaman na nagsimula na ang December 10 hanggang December 22 na launch window na itinakda ng Pyongyang.

Pero kahapon, inanunsyo ng state news agency na KCNA na pinapalawig ng NoKor ang schedule sa liftoff, hanggang December 29.

Ayon sa report, may problemang teknikal sa first-stage control engine module ng rocket.

Sa kabila ng naantalang rocket launch, inihayag ng South Korea na mananatili ang kanilang alerto hangga’t hindi kinakalas ng Pyongyang ang rocket sa launch pad.

Una nang nag-deploy ng mga warship at missile defense system ang Amerika, Japan at South Korea bilang paghahanda sa rocket ng NoKor.

Ayon sa Pyongyang, ang first stage ng ilulunsad na long range rocket ay babagsak sa Yellow Sea, habang ang second stage ay tatama sa karagatan sa silangan ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply