NDRRMC nakaantabay sa NoKor rocket launch

benito-ramos

MULING nakaantabay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa nakatakdang rocket launch ng North Korea.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nakatakdang magsagawa ng rocket launch ang NoKor sa pagitan ngayong araw hanggang sa ika-22 ngayong buwan.

Kaugnay nito, itinaas na ang red alert status sa NDRRMC Operations Center hanggang sa matapos ang rocket launch ng nabanggit na bansa.

Sinabi pa ni Ramos na kaagad silang magpapalabas ng abiso sa publiko sa sandaling makakuha sila ng impormasyon mula sa Democratic People’s Republic of Korea.

Pinulong na ni Ramos ang mga kaukulang ahensya para sa gagawing paghahanda sa nasabing rocket launch.

Asahan na rin ang muling pagpapatupad ng No Fly, No Shipping at No Fishing Policy sa mga lugar na maaapektuhan nito.

Nabatid na posibleng tumama sa Silangan ng Hilagang Luzon ang second stage ng rocket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply