NDRRMC: Patay sa bagyong Quinta, 12 na

BATAY sa pinaka-latest na report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 12 na ang bilang ng mga namatay sa bagyong Quinta.

Ayon sa NDRRMC, ang 11 sa mga namatay ay nagmula sa Region VI at VIII.

Bukod dito, dalawa rin ang naitalang sugatan habang dalawa pa ang nawawala.

Umaabot naman sa P146 milyon ang pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura.

Sa ngayon, anim na lugar sa bansa ang inilagay sa state of calamity dahil sa pananalasa ng naturang bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply