Nene, todas, ate kritikal sa pananaga ng tiyuhin

crime-scene-4

TODAS ang isang batang babae habang kritikal naman ang kanyang dalagitang kapatid nang pagtatagain ng kanilang sariling tiyuhin sa Zamboanga City kaninang madaling araw (Disyembre 28).

Bukod sa tinamong taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang 9-anyos na biktima at ang 15-anyos na kapatid nito na kapwa hindi pinangalanan, hinihintay ng awtoridad ang medical results ng mga biktima para makumpirma kung sila ay pinagsamantalahan din.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang hindi pinangalanan na suspect na kapatid ng nanay ng magkapatid.

Sa ulat, naganap ang pananaga dakong 12:30 ng madaling araw sa bahay ng magkapatid na biktima sa Toloso, Zamboanga City.

Hindi naman idinetalye ng pulisya kung ano ang tunay na nangyari sa magkapatid basta’t sinabi na lang na nakita itong kapwa duguan nang matagpuan ng kanilang kapitbahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply