New York wala pang talo sa home court

SINALPAK ng New York Knicks ang seven-game winning streak sa home matapos sugpuin ang Phoenix Suns, 106-99 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Bumira si Carmelo Anthony ng 34 puntos, anim na rebounds at dalawang assists upang ilista ng New York ang 12-4 win-loss slate at manatiling nasa tuktok ng Atlantic division sa Eastern Conference.

Kontrolado ng Knicks ang first half matapos ang 59-42 abante at kahit napatalsik sa playing court si Rasheed Wallace ay hindi na rin nakahabol ang Suns.
Nakalapit ng bahagya ang Suns sa fourth canto, 85-93 subalit  isang dunk shot ni Tyson Chandler at two-point shot ni Anthony ang naging dahilan upang lumayo muli ang score, 85-97 may 5:16 na lang ang nalalabing oras sa final period.

”His whole thing when he came in is we’re going to protect our home floor. We’re going to win every game at home, or we’re going to try to win every game at home, and we’re going to go out on the road and compete,” ayon kay center Chandler. ”So his whole thing is we’ve got to protect our house. Teams coming in got to feel like they’ve got to go somewhere else to get a win.”

Hindi pa rin magawang iwan ng New York ang Phoenix ng tuluyan dahil muli itong nakabalik at tapyasan ang lamang ng una sa apat na puntos, 103-99 matapos ang layup ni Suns point guard Shannon Brown may 26 segundo na lamang sa orasan.

Nag-ambag si Raymond Felton ng 23 points, seven assists at tatlong rebounds habang si Chandler ay may 15 pts. at 13 boards.

Si Marcin Gortat naman ang nanguna sa scoring para sa Suns na may tinikadang 18 puntos at 10 rebounds habang sinundan naman siya ni Brown na may 17 markers.

Samantala, lugmok na naman sa kanilang lugar ang Los Angeles Lakers matapos ang masaklap na pagkatalo laban sa Orlando Magic, 103-113.

Lagapak ngayon ang Lakers, sa 8-9 baraha habang napaganda ng Magic ang kanilang karta sa 6-10.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply