Niratrat na estudyante sa harap ng FEU, 2 patay, 1 malubha

DALAWANG estudyante ng Far Eastern University (FEU) ang patay habang sugatan ang isa pa matapos silang tambangan ng di nakilalang suspek  nang papatawid ang mga biktima sa Nicanor Reyes  St., patungo sa gymnasium kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Naisugod pa sa UST hospital ang biktmang sina Gerald Ramos, 21, nakatira sa 540 Juan Luna St., Binondo, Maynila at Juan Paulo Nepomuceno ,17, ng 350 Jhocson St., Sampaloc, Maynila  ngunit  namatay din makalipas ng ilang oras.

Ang biktimang si Adrian Joseph Santiago, 17,  ng 415 Poblacion, Baliwag, Bulacan naman ay  malubhang nasugatan matapos na magtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan  ay kasalukuyang pa ring inoobserbahan sa Mary Chiles Hospital.

Ang tatlo ay pawang mga miyembro ng cheering squad ng nasabing unibersidad.

Ayon sa report ni SPO1 Ramir Dimagiba, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 7:45 kagabi ng maganap ang insidente sa R. Papa malapit sa Nicanor Reyes Sts. sa Sampaloc, Maynila.

Sa imbestiagsyon, kalalabas lamang umano ng mga biktima sa campus ng unibersidad at patungo sa gymnasium na mamatagpuan sa may R.Papa St., at habang papatawid sila sa Nicanor  Reyes St ., ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng suspek na inilarawang may taas na 5’4 hanggang 5’6, mahaba ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, at armado ng di mabatid na kalibre ng baril.

Si Ramos ay natamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang dibdib at leeg at idineklarang patay ganap na alas 8:40 ng gabi habang namatay si Nepomuceno ganap na alas 10:25 matapos isailalim sa medical operation sanhi sa tinamong tama ng bala sa dibdib, leeg at likod.

Puspusan naman ang isinasagawang imbestiagsyon ngayon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek sa pamamaril sa mga biktima.

Inaalam na rin ng pulisya kung may CCTV sa lugar upang mas mapadali ang pagtugis sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply