‘No inspection, no ride policy’ igigiit ng LRTA

inspect

IGIGIIT ng pamunuan ng LRTA ang ‘no inspection, no ride policy’ sa lahat ng kanilang rain stations kahit sa mga araw ng piyesta opisyal bilang hakbang na rin na mabigyang seguridad ang mga pasahero.

Ayon sa tagapagsalita ng LRTA na si Atty. Hernando Cabrera, mahigpit nilang ipinaiiral ang panuntunan sa lahat ng oras sa kanilang Line 1 (Baclaran-Roosevelt) at Line 2

(Santolan-Recto) dahil umaabot sa 750,000 ang sumasakay ditong mga pasahero araw-araw.

Napag-alaman na sa loob ng mga nagdaang taon, nakakumpiska ang mga security guard na nakatalaga sa bawa’t train stations ng mga nakamamatay na uri ng armas tulad ng baril, patalim, pampasabog, brass knuckles at maging ng blasting caps.

Humingi rin ng pang unawa si Cabrera sa mga tumatangkilik sa pinakamabilis, pinakamura at pinaka-kombinyenteng transportasyon dahil para rin sa mga pasahero ang kanilang ginagawang paghihigpit.

Ayon pa kay Cabrera, bukod sa taunang pagsasanay, tinuturuan din ang mga security guards ng tamang pagkakaloob ng respeto sa mga pasahero sa kabila ng mahigpit na pagpapairal ng mga panuntunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply