No-nonsense campaign

bong_padua1

Tumatahak sa tuwid na direksiyon ang ‘no-nonsense’ campaign na isinasagawa ng liderato ni BOC Comm. Ruffy laban sa smuggling.

Ito ang assessment natin dahil sa walang puknat  na panghuhuli ng mga tauhan ni Biazon sa ipinupuslit na mga hot item o kontrabando sa Aduana.

Walang araw na ‘di nakasasakote sina Comm. Biazon ng smuggled goods.

Noong nakaraang araw, P1.6 million hot plywoods na naman ang nadakma nila.

Nakatago sa dalawang container van ang mga plywood na idineklarang particle boards ng consignee na Dragon Clash Enterprise.

Ngunit nang busisiin ng grupo ni MICP intelligence Division chief Richard Rebong, nabuking ito na mga film faced plywood.

Siguradong matutuwa ang Philippine Wood Producers Association dahil ang grupong ito ay galit din sa mga sumasalaula sa local wood industry.

Ang wood smuggling ay matagal nang inirereklamo ng samahan na ito pero ang mga nakaraang administrasyon ay naging bingi sa kanilang hinaing.

Katunayan, nawalan na sila ng pag-asa pero sa pagkakatalaga kay Biazon bilang BOC chief,   umusbong muli ang kanilang tiwala sa gobyerno.

Mabuhay ang kasalukuyang BOC.

‘NAME-DROPPERS’ MAY KALALAGYAN KAY PURISIMA

Kasabay ng kanyang pagkakatalaga ay ang ulat na pagne-name-drop ng mga iligalista sa walang bahid na pangalan ni Deputy Director General Allan Purisima.

Tila, hindi naiintindihan ang matinding babala o kaya’t talagang hinahamon at nais subukin ng mga matitigas na iligalista si Gen. Purisima.

Ang kanyang warning ay simpleng paalala lamang na nagsasaad ng pagbabawal ng paggawa ng baluktot na ‘di naaayon sa batas.

Diyan sa Lemery, Batangas, ala-eee, isang nagngangalang ‘Alex’ ang nagne-name-drop umano sa pangalan ng bagong PNP chief.

Ayon sa grupo ng mga mamamahayag sa lalawigan, gamit ang pangalan ni Purisima, nagawang makapagla-tag ito ng 60 unit ng video karera sa Lemery.

Knowing Purisima, may  kalalagyan ang name-dropper na yan.

Abangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply