Noah pumihit ng 30 pts.

NANGALABAW ng 30 points, 23 rebounds at anim na assists si Joakim Noah upang suwagin ng Chicago Bulls ang 108-104 panalo kontra Detroit Pistons sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

”It’s crazy to have numbers like that,” masayang sabi ni Noah. ”I knew I was missing a lot of tips in the beginning of the game. In some arenas, they count as rebounds, and some other arenas, they don’t. I’m happy they counted.”

May kalamyaan ang opensa at depensa ng Bulls sa first period kaya naman nalamangan sila ng Pistons, 26-30.

Hanggang sa first half ay patuloy ang pagkadismaya ni Noah dahil hindi makaahon ang kanyang koponan.

”I just felt like our energy was just low, from the start of the game,” sabi ni Noah. ”It’s just human reaction, when there’s not a lot of people in the stands, to kind of put your guard down. I think we regrouped pretty well.”

Umabot sa 17 ang lamang ng Pistons sa second quarter subalit na kahit papaano ay naibaba ng Chicago sa limang puntos ang hinahabol sa hal time.

Nag-ambag din si Carlos Boozer ng 24 markers at six boards habang nagdagdag sina Marco Belinelli at Luol Deng ng tig 16 points upang ilista ng Bulls ang 10-8 win-loss slate.

Dismayadong-dismayado naman ang coach ng Pistons dahil hindi pa rin nila matalo-talo ang Bulls kahit wala ang pambato ng Chicago na sina Derrick Rose at Richard Hamilton.

”Noah had a double-double in both halves. That’s just flat-out effort,” ani Pistons coach Lawrence Frank. ”He had 30 points and 23 rebounds, and they didn’t run a single play for him.”

Mula ng Disyembre 23, 2008 ay hindi pa tinatalo ng Detroit ang Chicago.

Si Piston bench player Rodney Stuckey ang namuno sa opensa na may tinikadang 24 points at pitong assists.

Samantala, hindi nakaporma ang Los Angeles Lakers sa Oklahoma City Thunder matapos magsanib ng puwersa sina Three-time scoring champion Kevin Durant at Russell Westbrook.

Bumira si Durant ng 36 puntos habang 33 naman ang kinamada ni Westbrook upang talunin ang koponana ni Kobe Bryant na Lakers, 114-108.

Sa ibang NBA resulta tinalo ng Philadelphia 76ers sa overtime period ang Boston Celtics, 95-94 habang nagwagi naman ang Golden State Warriors sa Brooklyn Nets, 109-102.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply