NoKor rocket launch, tagumpay – KCNA

KINUMPIRMA ng North Korea kaninang umaga na ang ipinalipad na long-range rocket ay isang tagumpay na ang misyon ay maglagay ng satellite sa orbit.

“The launch of the second version of our Kwangmyongsong-3 satellite from the Sohae Space Centre… on December 12 was successful,” pahayag ng Korean Central News Agency (KCNA).

“The satellite has entered the orbit as planned,” dagdag pa ng ulat.

Ang parehong pahayag ay binasa sa isang “special broadcast” sa North Korean state television, ng isang female announcer na nakasuot ng pink hanbok (traditional national dress).

Nakaupo sa tapat ng isang screen na nagpapakita ng North Korean flag at binabasa ng nasabing announcer ang pahayag na malakas at may tagumpay na tono.

Ang tulad na special broadcasts ay pangkaraniwan lamang at nakareserba para sa okasyon na tulad ng pag-anunsyo ng pagkamatay ng kanilang leader na si Kim Jong-Il nitong nakaraang Disyembre 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply