Nolte pumisak ng super GM

TINARAK ni Pinoy International Master Rolando Nolte ang pinakamalaking upset sa round 4 matapos pisakin si No. 2 seed at super grandmaster Anton Korobov, (elo 2702) ng Ukrain sa nagaganap na Rose Valley Open International Chess Tournament 2012 sa Kolkata, India kahapon.

Si Nolte na may elo rating na 2453 ay nakalikom ng 3.5 points upang makisalo mula sixth hanggang 22nd place sa event na ipinatupad ang 11 rounds swiss system.

Nauwi naman sa draw ang laban ni Mark Paragua kay IM Swapnil Dhopade ng India upang saluhan si Nolte.

Nasolo naman ni local bet IM Gujrathi Vidit Santosh ang top spot matapos kaldagin si GM Marat Dzhumaev ng Uzbekistan.

Hawak ni Gujrathi ang 4.5 pts. nasa likuran niya sina top seed GM Radoslaw Wojtaszek, (elo 2734) ng Poland at GM G.N. Gopal ng India na may tig 4.0 points.

Nanalo rin si IM Oliver Dinakiling habang natalo naman si IM Emmanuel Senador.

Sa round six muling masusubukan ang tikas ni Nolte dahil mapapasabak na naman siya sa isa pang super GM sa katauhan ni No. 6 ranked Shekhar Surya Ganguly, (elo 2630) ng India.

Makakalaban naman ni No. 16 seed Paragua, (elo 2533) si Indian GM Suri Vaibhav, (elo 2494).

Parehong may tig walawang puntos sina Senador at Dimakiling kaya kailangan nilang manalo sa susunod nilang laban para makaahon ng bahagya at magkaroon pa ng tsansa na makuha ang titulo.

Makikipagpisakan sina Senador at Dimakiling kontra dalawang WGM ng India.

Ka date ni Senador, (elo 2352) si Swaminathan Soumya, (elo 2268) habang ka table si Dinakiling, (2453) si Rout Padmini, (elo 2313).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply