Notoryus na holdaper bulagta sa parak sa Maynila

crime-scene-chalk-mark

BUMULAGTA ang isang notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Tondo, Maynila, Lunes ng gabi (Disyembre 3).

Dead on the spot ang suspek na inilarawang nasa edad na 30-35, miyembro ng Commando Gang, may katamtamang pangangatawan, nakasuot na puting long sleeve, maong na pantalon at itim na tsinelas.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan ang suspek mula sa mga rumespondeng alagad ng Anti Crime Unit ng Manila Police District PS 2.

Dalawa pang kasamahan ng suspek ang nakatakas at inaalam ngayon ng pulisya ang kanilang pagkakilanlan.

Sa report ni SPO3 Rodelio T Lingcon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 11:15  ng gabi nang maganap ang insidente sa Road 10 cor. Sandico St., Tondo Maynila.

Nauna rito, nagpaptrulya ang grupo nang humingi ng tulong ang biktima na si Graciano Sanchez, 30, salesman at taga-San Antipolo St., Tondo.

Ayon kay Sanchez, nabiktima siya ng tatlong hindi nakilalang mga holdaper sa loob ng isang pampasaherong jeep.

Agad namang kumilos ang mga pulis at namataan ang mga suspek batay na rin sa ibinigay na deskripsyon ng biktima.

Nang sitahin ng mga pulis ang mga suspek ay biglang nagpatutok ang holdaper na naging dahilan upang gumanti ng putok ang awtoridad na nagresulta sa kamatayan ng isa sa mga holdaper.

Inilagak ang bangkay ng suspek sa Cruz Funeral para sa awtopsiya at safe keeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply