Notoryus na holdaper utas sa pulis

crime cordon

PATAY ang isang notoryus na holdaper nang makasagupa ang mga awtoridad sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.

Positibong kinilala ng kanyang biyenan na si Teresita Lampasa ang suspek na si Roger Rabina, 32, barker at taga-Area B Gate 14 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Si Rabina ay nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman ang kasama nito.

Sa report ni SPO1 Mario Asilo, naganap ang insidente dakong alas-10:15 kagabi sa may panulukan ng Abad Santos at Recto Avenue, Tondo, Maynila matapos humingi ng tulong ang biktimang si Mark Pantaleon, kolektor ng 40 Batasan Hills, Quezon City.

Nauna rito, tinutukan umano ng suspek ang biktima at inagaw ang dala nitong bag na naglalaman ng kanyang koleksyon na P980.

Nang malimas ang gamit ng biktima ay kaswal lamang na naglakad ang dalawang suspek .

Tiyempo namang may nagpapatrulyang pulis at agad na nakahingi ng tulong ang biktima.

Batay sa ibinigay na deskripsyon ng biktima sa pulisya at kung saan direksyon nagtunog ang mga suspek ay naabutan ang mga ito sa lugar.

Sa halip na sumuko ay agad na nagpaputok ng baril ang suspek dahilan naman upang magpaputok ang mga awtoridad.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

Nabatid na ang suspek ang responsable sa serye ng holdapan sa lugar at ang pinakahuling biktima nito na nagreklamo ay si Shih Ching Tang na tinutukan ng baril noong Disyembre 15 habang naglalakad sa may Sto. Cristo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply