OAVs pinayuhang bisitahin ang website ng DFA, Comelec

comelec-3

PINAYUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga overseas absentee voters (OAVs) na bisitahin ang website nila at ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang mabatid kung maaari pa ba silang makaboto sa midterm elections sa susunod na taon.

Kasunod ito ng plano ng Comelec na alisin na sa listahan ng mga rehistradong botante ang pangalan ng mga OAVs na bigong makaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon, partikular na nuong 2007 at 2010 Elections.

Batay sa ipinalabas na notice ng poll body, aalisin na ang pangalan ng mga nasabing OAV mula sa National Registry of Overseas Absentee Voters kung hindi sila maghahain ng Manifestation of Intent para makalahok sa May 2013 national polls.

Ang nasabing abiso ay ipinalabas kasunod na rin ng ipinasang resolusyon ng Comelec noong Disyembre 4, 2012 na naglalaman ng panuntunan para sa mga OAV na bigong makaboto sa dalawang nakaraang halalan.

Nabatid na maaaring ma-check ang status ng isang OAV sa website ng Comelec na www.comelec.gov.ph at website ng DFA na www.dfa.gov.ph.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply