Obispo: PNoy diktador

cbcp

INAMIN ng isang Catholic bishop na nangangamba siya sa aniya’y unti-unting pagiging “diktador” ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Binatikos ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng Episcopal Commission on Family and Life (ECFL) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Malacañang dahil sa paggamit umano nito ng pork barrel upang mapasunod sa kanilang nais ang mga mambabatas.

“It’s already like dictatorship because the executive already controls the Congress and the Judiciary,” ani Reyes. “That’s why I’m very sad.”

Ibinunyag din ni Reyes na ilang mambabatas ang umamin sa kanya na pinagbantaan umano sila ng Malacañang na ititigil ang mga proyekto sa kani-kanilang distrito kapag hindi sila bumoto pabor sa RH bill.

“I know of at least five congressmen, who from the very beginning are against the bill, but when they were called by their (Liberal) party for a meeting they changed their position,” pahayag pa ng obispo.

“Maybe other lawmakers also changed their position because of the pressure from Malacañang,” aniya pa.

Inamin rin ng obispo na dahil sa ginawa ng pangulo para maipasa lamang ang RH bill ay nangangamba siyang posibleng maging ‘banta’ ito sa demokrasya ng bansa sa hinaharap.

“I’m not saying he is at present a threat, but there might come a time,” ani Reyes.

“As it is going, there might come a time that he would be a threat to democracy because the Executive Department is already controlling the Legislative and Judiciary,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply