Obrero tigok sa panonood ng x-rated movie

TAGUIG CITY – Nakasalang pa sa DVD device ang malaswang pelikula na pinaniniwalaang pinapanood ng isang obrero ng madatnan ito ng kanyang kasama na sapo ang dibdib at wala ng buhay sa ABS Telecom Industry, 4th St., Manalac Estate, Brgy. Bagumbayan, ayon sa ulat ni PO3 Ronaldo Galapon, Desk Officer ng PCP3 Tanyag, ng naturang lunsod noong Huwebes ng gabi.

Sa nasabing insidente, sinabi ni Galapon na dakong 10:30 ng gabi ng tumawag ang mga elemento ng Public Order and Safety Office (POSO) sa kanilang himpilan upang iparating ang nakitang nakahandusay na katawan ng biktima na nakilalang si Edwin C. Facultad, 42, stay-in construction worker, at nakatira sa Nogpo, Libon, Albay.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, posible anilang inatake sa puso ang bitikma ayon na rin sa salaysay ng isang saksi na nagngangalang Alberto Sergio Sandrino na huli umano niyang nakitang buhay ang biktima na ganadong nanonood ng adult movie.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply