OFW binaril sa harap ng asawa, kritikal

emergency-2

MALUBHA ang lagay ng isang overseas Filipino worker (OFW) matapos itong patraydor ng  barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng kanyang misis Linggo ng gabi Dec. 9 sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Hospital si Carlo De Lara y Lopez, 32, may asawa, OFW, ng Lecahngco St., Northbay Boulevard ng lungsod sanhi ng isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa likod.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng isang tindahan sa Daang Bangko Tabing dagat ng nasabing barangay.

Nabatid sakay ng motorsiklo ang biktima at ang asawa nitong si Lailane sa Yamaha meo na may plakang 1397-TI pagsapit sa nasabing tindahan iniwan saglit ang kanyang asawa sa kanyang motor para bumili ng school supply para sa kanilang  anak.

Habang pinaandar ng biktima ang kanyang motor palihim na sinundan ng suspek at hindi naging hadlang naman sa huli na ikasatuparan ang pamamril sa kabila ng katabi ng una ang kanyang asawa.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung anong tunay na motibo sa nasabing insidente, habang isang manhunt operation ang inilatag ng mga pulisya laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply