OFW Help Desk Center itinatag sa Marikina

BILANG pagbibigay pugay sa mga Marikenyong nagtatrabaho sa ibang  bansa, ipinasa ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang  ordinansang nagtatatag ng Overseas Filipino Worker (OFW) Help Desk Center sa Marikina.

Alinsunod ito sa ipinasang  Ordinasa Bilang 71 Serye ng 2012 o “Ordinance establishing the  OFW and the Family  Circle Help Desk Center   under the Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) in the City of Marikina.

Pangunahing layunin ng OFW Help Desk Center na makatulong hindi lamang sa mga hinaing ng OFWs bagkus maging sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa at sa pamilya ng mga OFW na naninirahan sa lungsod ng Marikina.

Batay sa Labor Force Survey ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong 2010 may humigit-kumulang  na 22,827 katao ang walang trabaho sa lungsod ng Marikina.

Dahil dito, upang mabigyang tugon ang suliraning ito, ang LRPESO ay nagsasagawa ng Regular Employment Facilitation at Quarterly Jobs Fair bukod pa sa ilang kumpanyang nagsasagawa ng in-house hiring sa lungsod.

“Tayo rito sa lungsod ng Marikina ay patuloy sa pag-oorganisa ng mga jobs fair upang makapagbukas ng marami pang oportunidad sa ating mga residenteng naghahanap ng trabaho. Sa katunayan, mayroong 4,834 aplikante na ating inirekomenda mula sa mga jobs fair ang may trabaho na. Mayroon rin tayong career coaching na ginagawa sa lahat ng pampublikong paaralan sa sekondarya sa buong Marikina. Ito naman ay bilang paghahanda sa mga kabataan sa pagpasok nila sa kolehiyo. Paraan natin ito upang mabawasa ang mismatch sa paghahanap  ng trabaho sa hinaharap,”wika ni Mayor Del De Guzman.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan si Gil Munar,  Officer-in-Charge ng LRPESO sa tanggapan ng  Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) para sa gagawing pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations, polisiya at programang may kinalaman  sa nasabing ordinansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply