OFW remittances ngayong 2012 tumaas – BSP

INIULAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umakyat sa 8.5 porsyento ang antas ng remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ngayong 2012 sa kabila ng delikadong sitwasyon na nararanasan sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Fe Dela Cruz, tagapagsalita ng BSP, na ang pangunahing dahilan nito ay ang mas malaking halaga ng padala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya na nakararanas ng lumalalang kundisyon ng kahirapan at mga pagsubok sa buhay sa Pilipinas.

Ani Dela Cruz na karaniwan talagang tumataas ang remittances ng mga OFW kapag holiday season dahil sa kagustuhang mapasaya ang kanilang pamilya.

Ngunit mas malaking porsyento kung bakit umakyat ang remittances kumpara sa nakaraang taon ay dahil sa mas maraming pagsubok at
problemang hinaharap ngayon ang mga pamilya ng mga OFW kaya nagsusumikap ang mga ito na maka-ipon at makapagpadala ng mas malaking pera sa mga kaanak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply