OFWs pinag-iingat sa patuloy na krisis sa Lebanon

INABISUHAN na ng Department of  Labor and Employment (DOLE) ang mga Overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon kasunod ng pagtataas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa crisis alert level  sa naturang bansa.

Ayon kay DOLE Sec. Rosalinda Baldoz, itinaas na sa krisis alert 1 ang nasabing bansa dahil sa nararanasang paghina ng kanilang ekonomiya.

Payo pa ni Baldoz sa mga kababayan na kasalukuyang nasa Lebanon na mag-ingat at panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon sa embahada ng bansa, Philippine Overseas Labor Office, sa Filipino community at mga kapwa-OFW

Tinatayang mayroong 34,850 OFWs sa Lebanon na karamihan sa kanila ay mga household service worker.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, mayroong mga senyales ng internal disturbance at instability sa Lebanon bukod pa anya sa external threats.

Kabilang na anya sa mga bantang ito ang pagpapatuloy ng karahasan sa pagitan ng Israel at Hezbollah, ang pag-init ng tensyon sa Syria na umaabot hanggang sa Lebanon

Sa ilalim ng POEA Governing Board Resolution No. 11 ngayong taon, sinabi ni Baldoz na ang deployment sa Lebanon ng mga OFW ay inalis bukod na lamang sa mga bagong HSWs at nakabinbin pang kasunduan sa pagitan ng bansa at Lebanon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply