Oh, Julia

trending-ngayon-sonny-angara

BUSY ngayon si Kapamilya star Julia Montes sa pagsuporta sa aming advocacy ng aking tatay na si Senator Edgardo J. Angara para sa ating senior citizens.

Sinamahan ako ni Julia last Tuesday sa isang press conference sa Quezon City para maipabatid sa publiko ang mga karapatan at kapakanan ng ating mga lolo at lola.

“This advocacy for the elders is really close to my heart as I was cared for by my lola since I was a kid. When I first learned about the offer, I did not hesitate to support this cause,” ang sabi ni Julia.

Ito ang kanyang kuwento: Ang kanyang parents ay parehong deaf-mute na naghiwalay rin agad matapos ikasal. Baby pa siya nang iwan sila ng kanyang tatay na German. Hindi malaman ng kanyang nanay ang gagawin kung kaya lumaki siya sa poder at pangangalaga ng kanyang lola.

“I admire Senator Angara and Congressman Angara for being the champions of senior citizens. They have truly helped a lot of lolos and lolas, including my Mama Flor, have a life,” ang sabi pa ni Julia.

Thank you, Miss Julia.

***

Mula sa Senior Citizens Act of 1992 na ang aking tatay ang proponent, inakda ko naman ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Narito ang mga benepisyo na dapat matanggap ng ating senior citizen sa ilalim ng aking expanded version: 20 percent discount sa goods and services mula sa VAT; free medical and dental service, diagnostic and laboratory fees sa lahat ng government hospitals; monthly stipend na P500 para sa indigents; five-percent discount sa water and electric bills; at educational assistance para sa senior citizens na gustong bumalik sa school.

Sa ilalim ng batas, dapat na magkaroon ng Office for Senior Citizens Affairs sa lahat ng siyudad at munisipalidad at senior citizens ward sa bawat government hospital.

Talagang isinulong namin ng aking tatay ang Senior Citizens Act at ang expanded version nito bilang pagkilala sa mga Pinoy na lolo’t lola na nag-ambag para sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply