OIC ng barangay tepok sa pamamaril

crime-scene-chalk-mark

TACURONG CITY, Sultan kudarat – Patay ang isang kagawad ng Barangay Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat matapos barilin ng hindi nakilalang riding in tandem.

Kinilala ni S/Supt. Rolen Dela Cruz Balquin PESE, police provincial director ng Sultan Kudarat sa panayam ng Remate ang biktima na si Felix Figa, OIC chairman din ng Barangay Poblacion.

Ayon kay Balquin, nangyari ang pamamaslang sa national highway ng President Quirino. Mabilis na tumakas ang suspek papuntang North Cotabato.

Base sa inisyal na imbestigasyon, election related o may kinalaman sa pulitika ang motibo sa pagpatay sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply