Oil companies nagpatupad ng rollback

rolbak

NAGPATUPAD ang ilang oil companies ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo, Martes (Disyembre 4).

Kaninang alas-12:01 ng madaling araw, nagpatupad ng rollback ang Shell, Petron, Seaoil, Flying V at Chevron ng 60 sentimo sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, 35 sentimo sa regular gasoline at 40 sentimo sa kerosene.

Sa parehong oras, nag-rollbak din ang Eastern Petroleum ng 60 sentimo sa kada litro ng premium at unleaded gasoline at 40 sentimo sa regular gasoline.

Kaninang alas-6:00 ng umaga naman nagbawas ng 60 sentimo sa kada litro ng premium at unleaded gasoline at 35 sentimo sa regular gasoline ang Phoenix Petroleum.

Kaugnay nito wala namang iniulat na paggalaw sa presyo ng diesel.

Ang rollback ay kasunod na rin ng paggalaw sa presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply