Oil price hike pamasko ng mga oil companies

SA halip na positibong aginaldo, dagdag-singil sa mga produktong petrolyo ang regalo ng mga oil companies sa bansa na ipinatupad ngayong bisperas ng Pasko.

Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang magpatupad ng pagtataas ang Pilipinas Shell. Nasa P.50 sentimos kada litro ang itinaas nito sa kanilang premium at unleaded gasoline habang P.55 sentimos kada litro naman sa regular gasoline.

Nasa P.45 sentimos kada litro rin ang itinaas ng Shell sa kanilang diesel at mas mataas na P.60 sentimos kada litro sa kerosene.

Sumabay din naman ang Petron Corporation sa naturang pagtataas sa parehong oras at parehong mga presyo sa naturang mga produktong petrolyo.

Alas-6:00 ng umaga naman nang itinaas ng PTT sa P0.50 ang presyo sa kada litro ng gasolina at P0.45 sa kada litro ng diesel.

Ang naturang pagtataas ay makaraan ang tatlong sunud-sunod na rollback sa presyo ng petrolyo sa mga nakaraang linggo na inasahan ng mga motorista na magtutuluy-tuloy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply