One-Stop-Shop sa renewal at application ng business permits, inilalatag sa Dapitan City

INILALATAG na ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Dapitan ang gagawing One-Stop-Shop para sa renewal at application ng business permit para sa taong 2013.

Ang naturang hakbang ay pinangunahan ni Mayor Patri Chan at City Licensing Officer China Olario. Nakatakdang ipatupad ang naturang hakbangin ngayong Enero 2-18 ng susunod na taon sa bagong government center sa lungsod.

Ayon sa mga opisyal, pagkakataon na ito para sa lahat ng mga negosyante sa lungsod dahil hindi na sila matatagalan sa pagpo-proseso ng kanilang business permits dahil ang lahat ng mga chief of offices na involved sa pagpo-proseso nito ay nasa iisang venue lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply