Online application para sa OEC, ikinakasa ng POEA

MARAMING magiging pagbabagong ikinakasa ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa susunod na taon.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, unang-unang plano nilang ayusin ang online application ng pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) para sa kapakanan ng mga aplikante.

Kaugnay nito, mas papadaliin din ng POEA ang proseso ng paglabas-pasok ng mga turista at mga manggagawa sa bansa at bibigyan ng access ang mga immigration officer sa POEA database.

Samantala, tiniyak ni Cacdac na mas palalakasain pa nila ang pagsugpo sa mga illegal recruiters na patuloy na nanloloko ng mga kababayan nating Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply