Online stores hihigpitan sa buwis

HIHIGPITAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng buwis sa mga Internet online stores sa susunod na taong 2013.

Ayon sa panayam sa radyo kay BIR Commissioner Kim Henares, tututukan na nila ang online stores na malaki ang kinikita ngunit wala namang iniisyung resibo at walang buwis na binabayaran sa gobyerno.

Wala naman umanong pinagkaiba ang ordinaryong stalls at malls sa online stores kahit pa malaki ang promo na kadalasang alok ng mga ito.

“Wala naman ‘yang pinagkaiba sa tindahan. Ang tindahan lang nila, nasa Internet. Kailangan rehistrado sila, nag-i-isyu sila ng resibo.”

ito ay upang maprotektahan na rin umano ang karapatan ng mamimili sa mga online stores.

“Meron din ‘yang consumer rights kasi kung wala kang resibo, ‘di ka pwede mag-exchange, ‘di ka pwedeng magreklamo.”

Tinatayang aabot sa P300 bilyon ang maaaring kitain ng pamahalaan kung magbabayad ng tamang buwis ang informal sector kabilang ang mga online store.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply