Operasyon ng LRT Line 1 and 2 sa Pasko at Bagong Taon aagahan

NAGPAHAYAG ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na pinaaga nila ang pagsasara ng operasyon ng LRT Line 1 at 2 sa bisperas  ng Pasko at Bagong Taon dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng pasahero.

Ayon kay LRT Authority officer-in-charge Engr. Emerson Benitez na base sa kanilang record sa loob ng limang nakalipas na taon, lumalabas na bumababa ang bilang ng pasahero sa Disyembre 24 at Disyembre 31.

Dahil dito, magbubukas ang LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) sa Disyembre 24 ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-8:00 ng gabi habang sa Disyembre 31, magbubukas ito ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-7:00 ng gabi.

Sa LRT Line 2 (Santolan-Recto), magbubukas ito sa Disyembre 24 ng alas-5:00 ng umaga at magsasara ng alas-8:00 ng gabi sa Santolan at alas-8:30 ng gabi sa Recto station.  Sa Disyembre 31, magbubukas ito ng alas-5 ng umaga at magsasara ng alas-7:00 ng gabi sa Santolan at alas-7:30 ng gabi sa Recto station.

Dagdag pa ni Benitez, nais rin nila na mapauwi ng mas maaga ang kanilang mga tauhan upang makasama ng mas mahabang oras ang kani-kanilang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko.

Muli namang humingi ng pang-unawa ang pamunuan ng LRTA sa mga pasahero sa mas pinahigpit nilang seguridad at inspeksyon.

Mahigpit umanong ipinatutupad ang “No Inspection, No Entry policy” maging sa mga pasaherong may dalang mga nakabalot na regalo na kailangang buksan ng kanilang mga tauhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply