Operasyon para sa kidney transplant, isasama na sa saklaw ng PhilHealth

kidney

SASAGUTIN na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang operasyon para sa kidney transplant ng mga pasyenteng may sakit sa bato dahil isinama na sa Universal Health Care Coverage ang mga gamutang may kinalaman sa Renal Health Care.

Kinumpima ito ni Dr. Cecilia Gonzales ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa ginanap na Kapihan sa Central Luzon na sumentro sa pagtalakay tungkol sa Renal Health Care and Prevention Program ng pamahalaang nasyonal.

Ayon kay Gonzales, sobrang mahal aniya ng operasyon ng pagpapalit ng bato na umaabot ng hanggang sa P1.2 milyon kaya marami ang hindi nakakapagpa-opera at humahantong na lamang sa dialysis.

Binigyang diin ng eksperto ng NKTI na hindi nila palaging mairerekomenda ang dialysis dahil hindi naman napapalitan ang sira nang bato bagkus ay nililinis lamang ang dugo na dumadaloy sa katawan ng pasyente.

Kaya naman kapag nagsimula nang maging sakop ng PhilHealth ang kidney transplant, sasagutin ng government financial institution na ito ang P600,000 sa kabuuang halaga ng operasyon.

Posibleng magsimula ang nasabing programa sa kalagitnaan ng 2013.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply